July 05, 2026

Home BALITA National

Transfer fee sa Maya, ₱10 na lang simula Hulyo 6!

Transfer fee sa Maya, ₱10 na lang simula Hulyo 6!
Photo courtesy: Maya (FB), Unsplash

Inanunsyo ng e-wallet app na Maya nitong Sabado, Hulyo 4, na mula ₱15, magiging ₱10 na lamang ang kanilang magiging InstaPay transfer fee simula sa darating na Lunes, Hulyo 6. 

“With this update, customers who need real-time transfers to other banks can send money at a lower fee,” saad ng Maya. 

Samantala, mananatiling libre ang pagpapadala ng pera gamit ang Maya to Maya transfers at PESONet bank transfers. 

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, layon ng Maya mas gawing abot-kaya ang pagpapadala ng pera ng mga Pilipino gamit ang mas pinababang transfer options. 

Sa kaugnay na ulat, nauna nang inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpapababa ng intrabank at interbank transfer fees sa marami pang bangko sa mga susunod na araw, kasunod ng bagong BSP Circular 1238 na naging epektibo nito ring Hulyo 4. 

National

Fr. Robert Reyes, binira pagtatanggol ng INC kay Sen. Marcoleta!