July 05, 2026

Home SHOWBIZ

Gretchen Ho, muntik atakehin ng spotted hyena

Gretchen Ho, muntik atakehin ng spotted hyena
Photo Courtesy: Gretchen Ho (IG)

Nalagay sa peligro ang buhay ni dating TV5 news presenter Gretchen Ho matapos ang makapigil-hininga nilang encounter sa mga spotted hyena sa Timbavati Game Reserve na matatagpuan sa South Africa.

Sa latest Instagram post ni Gretchen noong Biyernes, Hulyo 3, ibinahagi niya ang kuhang video kung saan mapapanood ang paglapit ng spotted hyena sa bahaging kinaroroonan nila.

“The lone Spotted Hyena was studying us carefully, trying to smell and look for signs of vulnerability. But our tracker Oscar looked the Hyena in the eye, as he stood tall. And slowly, the Hyena walked away,” lahad ng Gretchen.

Dagdag pa niya, “Brett [our guide] told us the Hyena wouldn’t be foolish enough to charge 8 fully grown humans. Had we been with a young child, though, that kid might have been attacked.”

Ito umano ang rason kung bakit kinakailangan may minimum age requirement para sa mga game drives at open bush walks sa Timbavati Game Reserve.

Relasyon at Hiwalayan

Sachzna Laparan, hiwalay na sa jowa; utang na ₱50M, ‘di na pinababayaran

Kaya ayon kay Gretchen, ang rule umano sa ganitong pagkakataon ay laging kumalma at huwag na huwag tatakbo.

Kilala ang mga spotted hyena sa matitibay nilang panga at sa marahas nilang pananagpang sa kanilang mga biktima.