Tila nalalapit na ang pag-iisang-dibdib ng DJ na si Jellie Aw at ng karelasyon nitong si Jam Ignacio.
Sa latest Facebook post kasi ni Jellie kamakailan, ibinahagi niya ang larawan kung saan makikitang may suot siyang singsing habang hinahalikan ng nobyo.
Makikita naman sa caption ang singsing at lock emoji.
Samantala, wala namang makikita ng mga komento sa post dahil naka-off ang comment section nito. Ngunit kapansin-pansin na maraming naka-HAHA react dito.
Matatandaang iniahayag pa ni Jellie sa isang panayam noong Pebrero 2025 na ayaw na raw niyang magpakasal pa kay Jam.
Aniya, “Wala na pong kasal na magaganap o matutuloy. Hindi na po matutuloy ‘yong mga pinag-usapan namin dahil po sa nangyari.”
Maki-Balita: Jellie Aw, hindi na magpapakasal kay Jam Ignacio
Ito ay matapos ang insidente ng pambubugbog sa kaniya ng nobyo. Ngunit noong Disyembre 2025, naiulat ang muling pagbabalikan nila.
MAKI-BALITA: Jellie Aw, isiniwalat dahilan ng pambubugbog sa kaniya ni Jam Ignacio
Maki-Balita: Matapos ang bugbugan: Jam Ignacio at Jellie Aw, nagkabalikan?