July 15, 2026

Home BALITA Probinsya

14 at 17-anyos na magtatanan sana, tiklo sa terminal!

14 at 17-anyos na magtatanan sana, tiklo sa terminal!
Photo courtesy: Contributed photo

Naharang ng mga pulis ang dalawang menor de edad sa Ceres bus terminal sa Barangay Estancia, Kalibo, Aklan matapos makatanggap ng impormasyon na umano'y magtatanan ang dalawa patungong Bacolod City nitong Huwebes, Hulyo 2, 2026.

Kinilala ng Kalibo Municipal Police Station ang mga menor de edad bilang isang 14-anyos na babae mula sa Sitio Putol, Caticlan at isang 17-anyos na lalaki na pansamantalang naninirahan sa Sitio Minoro, ngunit residente ng Bacolod City.

Sa isinagawang pagberipika, sinabi umano ng dalawa na tatlong buwan na silang magkarelasyon. 

Ayon sa kanilang salaysay, napagdesisyunan ng dalagita na sumama sa binata patungong Bacolod nang malaman nitong babalik na ito sa kanilang lugar.

Napag-alaman ding nakabili na ang dalawa ng kanilang mga ticket sa bus at nakahanda nang bumiyahe nang maabutan sila ng mga pulis sa terminal.

Probinsya

Kawatan, tiklo matapos maligo sa bahay na pagnanakawan niya!

Ayon sa mga awtoridad, plano umano ng magkasintahan na magsama sa Bacolod City at doon ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Matapos maharang, dinala ang dalawang menor de edad sa Kalibo Municipal Police Station upang isailalim sa kaukulang proseso at koordinasyon sa kanilang mga magulang at iba pang kinauukulang ahensya.