July 21, 2026

Home BALITA

Sen. Raffy, naniniwalang 'di dapat ihalo ang bata sa hardened criminals

Sen. Raffy, naniniwalang 'di dapat ihalo ang bata sa hardened criminals
Photo Courtesy: Raffy Tulfo (FB), Pixabay

Nagbigay ng pahayag si Sen. Raffy Tulfo kaugnay sa nangyaring pamamaril ng dalawang menor de edad sa Tacloban na ikinasawi ng tatlong estudyante.

Sa imbestigasyon kasi ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Miyerkules, Hulyo 1, hinanapan ni Sen. Raffy ang lokal na pamahalaan ng Tacloban ng sarili nitong Bahay Pag-asa.

Sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act, ang Bahay Pag-asa ay pasilidad na nagsisilbing lunan ng rehabilitasyon para sa mga Children in Conflict with the Law. Iminamandato ng nasabing batas na dapat ang bawat local government unit (LGU) ay mayroon nito.

Aniya, “Anong nangyari sa Tacloban? Sa’n napunta ang budget para sana sa pagpapatayo n’yo ng Bahay Pag-asa? Naniniwala ako na hindi dapat sila ihalo sa hardened criminals. Everybody believes that.”

“Pero hindi rin dapat mawala ang mensahe na ang bawat aksyon ay may consequence. Hindi ‘yong nakikita ng mga bata na kapag ako ay nag-commit ng crime pupunta ako sa Bahay Pag-asa at pagdating do’n magba-basketball kami,” dugtong pa ni Tulfo.

National

Palasyo sa pag-atake ng CCG sa Ayungin Shoal: 'Hindi katanggap-tanggap!'

Kaya giit ng senador dapat umanong makita ng mga menor de edad na may karampatang parusa ang bawat gagawing kasalanan. 

Dagdag pa niya, “That’s why I suggest na dapat magpapatayo ng separate facility para do’n sa mga bata na nag-commit ng heinous crime. Separate na Bahay Pag-asa.”

Samantala, mungkahi naman ng ilang mambabatas na ibaba ang edad ng criminal responsibility mula 15 taon patungong sampu. Isinusulong din ng iba na ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga menor de edad.