July 15, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Kaya pala 'Pinagpala!' 'Bembangang' Andrea at Enrique, usap-usapan

Kaya pala 'Pinagpala!' 'Bembangang' Andrea at Enrique, usap-usapan
Photo courtesy: Screenshots from TV5 (FB)

Umani ng reaksiyon at komento ang naging maiinit na eksena nina Andrea Brillantes at Enrique Gil sa kanilang romantic thriller series na "A Secret in Prague" na mapapanood sa Primetime ng TV5.

Kasi naman, talaga namang naging palaban sina Andrea at Enrique sa isa't isa, matapos na maghalikan ang kani-kanilang mga karakter at mauwi na nga sa tikiman.

Ito ang unang beses na nagkatambal sa teleserye sina Andrea at Quen, at ito rin ang unang beses na makikita silang may kissing scene on-screen.

Ang mas nakakaloka pa nga rito, may eksena pa rito na katatapos lang nila, at nakahiga pa sa kama.

Sey ng karakter ni Andrea sa karakter ni Enrique, napatunayan na raw niya kung bakit "Pinagpala" ito.

Teleserye

'Sigabo' ni Coco, binakbakan; ginamitan ng AI?

Mikoy Pinagpala kasi ang pangalan ng karakter dito ni Enrique, na isang waiter sa Czech Republic habang si Andrea naman ay si Chiara Valtrovi, heiress ng isang mayamang Mafia boss.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"light lang yan scene nila na yan...pero sobrang kilig ako sa quendrea.1libo"

"Nag ganyan din ba noon ang lizquen? Parang sumikat naman sila na wala nyan, correct me if I'm wrong."

"Parang Gutom lang HAHAHAH"

"Sobrang bilis humalik."

Samantala, hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng kissing scene si Andrea sa telebisyon, hudyat ng kaniyang pag-step up sa pagtanggap ng mas mature roles.

Matatandaang naging usap-usapan din ang kissing scene nila ni Jake Cuenca sa "FPJ's Batang Quiapo" noong 2025.

Maki-Balita: Si Jake pa nakauna: Palaban era ni Andrea, umani ng reaksiyon

Maki-Balita: New at palaban era na! Andrea, 'hinigop' ni Jake