Pinagbigyan ni OPM singer-songwriter, Jireh Lim, ang hiling ng kaniyang preggy fan matapos niyang personal na ihatid ang craving at pinaglilihian nitong buko.
Mapapanood sa viral reel ng mister at content creator na si Kevin Hermosada noong Lunes, Hunyo 29, na binisita ni Jireh ang kaniyang asawa na si Abigail Campañano-Hermosada upang personal na iabot ang craving na buko.
Bukod pa sa pagdadala at pag-abot, mapapanood din na si Jireh pa ang nagtaga ng buko na agad namang ininom ni Abigail habang kinakantahan siya ng hit song nitong “BUKO” o “Buhay Ko.”
Ang nakatutuwang pagbisitang ito ng singer kila Kevin at Abigail ay kasunod ng post ni Kevin noong Linggo, Hunyo 28, kung saan makikita ang litrato ni Abigal na nakasimangot at sa caption ay nakalagay, “Guys paano to? Gusto daw ni buntis ng buko pero si Jireh Lim daw mag aabot .
Agad naman itong ni-reshare ni Jireh at sinabing, “Boss baka makasama sa baby pag hindi pinag bigyan ang nag lilihi. Ano address???”
Kaya ang netizens, hindi na rin napigilang makisakay kila Jireh, Kevin, at Abigail, at pabiro pang nagsabi na sila rin ay nagke-crave ng buko.
“pwede bang magcrave kahit hindi buntis? wala naman kaseng bubuntis ei, nasa kabilang mundo pa ”
“ay parang gusto ko din yang buko na yan Sir Jireh Lim hahahahahaha”
“Buti nalang yung buko hindi sa kabilang mundo”
“Sir sa my UTI pwde din po ba humingi ng buko sayo?”
“Ninong na next”