July 10, 2026

Home SHOWBIZ

Kasalanan ni Katherine Luna kay Coco Martin, burado na!

Kasalanan ni Katherine Luna kay Coco Martin, burado na!
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Ibinahagi ni Kapamilya Primetime King Coco Martin ang kuwento sa likod ng pagtulong niya sa ex-girlfriend niyang si Katherine Luna matapos nitong humingi ng tawad sa kaniya.

Sa ikalawang bahagi kasi ng panayam ni showbiz insider Ogie Diaz kina Coco at sa parter nitong si Julia Montes kamakailan, naungkat ang nakaraan nito at ni Katherine. 

“Noong pinapanood na namin si Kath, na-touch talaga ako no’ng humingi siya ng sorry. Kumbaga sabi ko, sino ba naman ako na humihingi ng tawad sa ‘yo ‘yong tao after all kahit gaano kasakit,” saad ni Coco.

Ayon sa kaniya, mas nasaktan umano ang lola niya sa mga sinabi noon ni Katherine laban sa kaniya. Kaya naman noong nagdesisyon siyang tulungan ang ex, kinonsulta muna niya ang matanda.

“Sabi niya, ‘Tulungan mo.’ Gusto ko ipagamot ‘yong mata, ipaayos ko. Tapos sabi niya, ‘Sige.’ Kaya pina-contact ko agad. Tinawagan namin,” dugtong pa ng aktor.

Tsika at Intriga

Hindi nag-audition? Atasha Muhlach, inintriga sa 'Annie Batungbakal' role

Bukod sa lola niya, sumangguni rin umano si Coco kay Julia dahil ito ang nangangasiwa ng pera niya. Todo-suporta naman ang partner niya at walang tanong-tanong na naglabas ng pera.

“Nakikita ko kasi ‘yong kagandahan ng puso ni Juls [Julia],” lahad ng Kapamilya Primetime King. “Walang pag-aalangan na ‘Uy, baka magkano ‘yan.’ [...] Kaya all the way kung ano man ‘yong nakikita ko, naiisip ko paano ulit makakabangon si Kath, talagang lahat. Hanggang sa pinasok namin sa ‘Sigabo.’”

Sa katunayan, ayon kay Coco, si Julia pa raw ang yumakap kay Katherine nang magkita ang dalawa sa set ng kanilang bagong serye.

Dagdag pa niya, “Wala na talaga, talagang burado na. And then sobra kaming happy talaga. “

Matatandaang sa isang episode ng vlog ni broadcast-journalist Julius Babao noong Pebrero 2025 humingi ng tawad si Katherine kay Coco.

Nagsimula ang isyu sa pagitan nilang dalawa nang sabihin ni Katherine na si Coco umano ang ama ng dinadala niyang sanggol sa sinapupunan.

Ngunit ayon sa resulta ng DNA test, hindi umano anak ni Coco ang bata.

MAKI-BALITA: Ex-jowa umano ni Coco Martin, may mensahe sa aktor