July 15, 2026

Home SHOWBIZ

Nagbabakla-baklaang content creators, hinahanapan ng pakikiisa sa Pride Month

Nagbabakla-baklaang content creators, hinahanapan ng pakikiisa sa Pride Month
Photo Courtesy: IC Mendoza (FB), via MB

Hinahanapan ng suporta ni TV personality IC Mendoza ngayong Pride Month ang content creators na ginagamit ang kabaklaan para pagkakitaan.

Sa isang Thread post ni IC noong Linggo, Hunyo 28, tinanong niya kung wala man lang daw bang pagbati ang mga content creator na nagbabakla-baklaan.

Aniya, “Wala man lang pag bati ng Happy Pride sa mga creators na nagbabakla-baklaan for their content? Char. ”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Char not char dapat yan, Mamsh. Kalampagin dapat yang mga cloutchasers eh."

Jireh Lim bumoses sa pagpatay, pagnanakaw sa TNVS rider

"Wala tayong maasahan dyan manHAHHAHAHAHAHAHAHA si nikko yan eh"

"lolllllll u clocked them, queen ang tatahimik ano"

"Tita mo ba si Pia Cayetano? Di lang nabati umiiyak na."

"Ayyyy LOUDERRRRRR..."

"Wala ma, mga silent era sila kahapon"

"Marked absent yan sila"

"Happi Pride mga mimasaurr"

Matatandaang naging mainit na usapin noong Marso ang queer-baiting. Kabilang sa mga inaakusahan nito ay sina social media personalities Tito Marsy at Tito Abdul.

Ginagamit ang queer-baiting sa media upang makaakit ng mga queer audiences, ngunit hindi naman totoong narerepresenta ang LGBTQIA+ community.

Maki-Balita: Boy Abunda binasbasan kabaklaan nina Marsy, Abdul 

Pero sa isang Facebook post ng dalawa noon ding Linggo, bumati sila ng “Happy Pride” kalakip ang video ni Tito Abdul habang nasa Pampanga Taste Fest 2026.

“Pride isn’t about where you celebrate, it’s about standing with the community wherever you are. Happy Pride! ‍,” saad sa caption ng post.