Binasag ni GMA trivia master Kuya Kim Atienza ang pananaw ng ilan tungkol sa aktibismo.
Napag-usapan kasi kamakailan sa latest episode ng podcast ni Kapamilya broadcast-journalist Karmina Constantino na “KC After Hours” ang tungkol sa pagpuna ng publiko sa lifestyle ng anak niyang si Eliana Atienza na aktibong nakikilahok sa mga pagkilos sa Amerika bilang pagsuporta sa laban ng Palestine kontra Israel.
Maki-Balita: Matapos masuspinde: Pro-Palestine na anak ni Kuya Kim, nagsalita na!
“Noong mga panahon na ‘yon, ang pinuntirya ‘yong lifestyle, ‘yong social status [ni Eliana], as if ‘pag ganyang level ka wala ka nang karapatan [maging aktibista],” saad ni Karmina.
“Hindi,” sagot ni Kim. “Ang dami nating kilalang mayayaman na ang laban e malalim ‘di ba? Pero it’s a good story kasi. It’s a good picture to paint para mapasama siya.”
“Kunyari sinasabi mo homeless-homeless ka, paano magiging homeless ang tatay mo nakasakay sa first class?” dugtong pa niya.
Ang tinutukoy ni Kim dito ay ang flight nila noong gumraduate ng Master of Science in Nutrition ang misis niyang si Fely Atienza sa Tufts University sa Boston noong 2024.
“She treated me and the family to Emirates first class. [...] Aaminin ko, when I travel business [class] ako. Pero first class, hindi ko kailangan ng first class,” paliwanag ng GMA trivia master.
Dagdag pa niya, “Pero dahil graduation niya 2 years ago sa Tufts, ‘Papa we’re going to fly first class Emirates.’ ‘Yong first class kasi ng Emirates parang a few hundred more expensive than business lang ‘yon, e, if you get it early in the year.”
Matatandaang minsan na rin binakbakan ng publiko ang pumanaw niyang anak na si Emman Atienza dahil sa 'Guess the bill' challenge na isa lang naman palang joke.
“The video was a joke. I thought it was obvious and the bill was an outrageously high number. But apparently, it’s believable that I can pay that much for dinner,” aniya.
Sa nasabing challenge, kailangang hulaan kung magkano ang aabuting bill ng kanilang mga kinain. Ang sinomang makahula nang mas malapit sa aktuwal na bill ay ang siyang magbabayad.
Sa tantiya ni Emman, ₱120,000 ang lahat ng kanilang kinain. Para naman kay Miss World 2024 Krishnah Gravidez, ₱130,000—na sa huli ng video ay isiniwalat umano na pinakamalapit sa aktuwal bill. Kaya siya ang nagbayad.
Maki-Balita: Anak ni Kuya Kim, umani ng batikos dahil sa 'Guess the bill' challenge