Inanunsyo ng Philippine Consulate General Office sa Hong Kong ang trahedyang pagkamatay na isang 17-anyos na Pinoy sa Peng Chau, Hong Kong, noong Biyernes, Hunyo 26.
Batay sa pahayag nila nitong Lunes, Hunyo 29, natanggap nila mula sa ulat ng Hong Kong Police na nahulog mula sa Chau Tsai Bridge sa Peng Chau ang binatilyo noong gabi ng Hunyo 26.
“The Consulate General of the Philippine in Hong Kong has received a police notification on the death of a 17-year old Filipino male who fell from Chau Tsai Bridge in Peng Chau last Friday evening,” ulat ng Konsulado.
Binanggit din na ang binatilyo ay dinala pa ng Hong Kong Government Flying Service sa Pamela Youde Nethersole Hospital, ngunit agad ding naideklarang patay.
“Official reports indicate that he was brought to Pamela Youde Nethersole Hospital by the Hong Kong Government Flying Service but was, unfortunately, declared dead shortly thereafter,” dagdag ng Konsulado.
Sa kasalukuyan, iniulat ng Hong Kong Police na wala pa silang nakikita na anumang kahina-hinalang pangyayari sa pagkasawi ng menor de edad.
“Nevertheless, the Hong Kong Police see no suspicious circumstances surrounding the death at this point in time,” anila pa.
Samantala, tiniyak ng Konsulado na nakipag-ugnayan na sila sa malalapit na kaibigan ng mga kaanak ng nasawi.
Gayundin ang pagtulong ng embahada sa pag-uuwi ng mga labi ng menor de edad sa Pilipinas bilang tulong sa naulilang pamilya nito.
“Close friends of the deceased’s family have reached out to the Consulate General and were assured of our willingness to assist the family with the handling of the remains,” pagtitiyak ng Konsulado.
Samantala, ipinahahatid ng Konsulado ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng menor de edad, at hinihiling sa publiko na bigyan sila ng privacy at iwasang magpakalat ng mga espekulasyon hinggil sa pagkasawi ng menor de edad.
“The Consulate General likewise extends its deepest condolences and prayers to the bereaved family and requests the public to respect their privacy at this difficult time and refrain from spreading baseless speculations about their child’s death,” pakikidalamhati at kahilingan ng Konsulado.