Nasagip ng isang mag-aaral ang dalawang menor de edad na nalunod sa isang beach resort sa Catanauan, Quezon, noong Sabado, Hunyo 27.
Mapapanood sa ngayo’y pinag-uusapang video ng netizen na si Rheynalyn Lopez Ampeloquio, na tuloy-tuloy na nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang mag-aaral sa mga menor de edad hanggang sa maibalik ang kanilang hininga at malay.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad sa Manila Bulletin, ang mga nalunod na menor de edad ay tinangay ng malakas na alon habang hinahabol ang isang lumulutang na bote.
Anila pa, ang mga biktima ay isinugod sa ospital para sa pangangailangan nilang atensyong medikal.
Samantala, ang nasabi namang mag-aaral na nagligtas sa mga menor de edad ay kinilalang si Von Untalan, na mag-aaral ng marine engineering.