July 19, 2026

Home SHOWBIZ Events

Yulo siblings, Chloe San Jose magkakasamang nag-travel sa Australia

Yulo siblings, Chloe San Jose magkakasamang nag-travel sa Australia
Photo courtesy: Carlos Yulo (FB)

Isang espesyal na sandali sa buhay ng two-time gold Olympic champion na si Carlos Yulo ang kaniyang kamakailang paglalakbay sa Melbourne, Australia kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Karl Eldrew at Iza Yulo, isa pang kapatid, kasama ang partner na si Chloe San Jose.

Sa unang pagkakataon, nakompleto ng pamilya Yulo ang magkakapatid sa isang international trip, bagay na agad ibinahagi ni Carlos sa kaniyang mga tagasuporta sa social media.

Ayon sa world-class gymnast, matagal nilang hinintay ang pagkakataong ito kaya naman labis ang kanyang kasiyahan na maisakatuparan ang nasabing biyahe.

“Our first international travel together: all 4/4 siblings in one trip, there's always a FIRST TIME!” ani Carlos sa kanyang Facebook post.

Hindi rin nakalimutan ng two-time Olympic gold medalist na pasalamatan ang kanyang kasintahang si Chloe San Jose at ang Diyos sa katuparan ng naturang pangarap.

Events

Ryan Bang, ibinigay kaniyang ipon sa staff, mga nabiktima ng lindol sa Mindanao

“Salamat mahal Chloe, lalong-lalo na po kay Lord for making this happen,” dagdag pa niya.

Bukod sa masayang bonding kasama ang pamilya, patuloy ring umaani ng tagumpay si Carlos sa mundo ng gymnastics.

Kamakailan lamang ay muling pinatunayan ng Filipino gymnastics star ang kanyang husay matapos manguna sa floor exercise event ng 2026 Asian Gymnastics Championships na ginanap sa Zunyi, China.

Naiuwi ni Carlos ang gintong medalya matapos makapagtala ng 14.700 puntos. Samantala, nakasama rin niya sa podium ang nakababatang kapatid na si Eldrew Yulo na nagkamit ng tansong medalya sa parehong event matapos umiskor ng 14.300 puntos.

Dahil dito, naging mas makasaysayan ang kompetisyon para sa magkapatid na kapwa nagbigay ng karangalan sa bansa sa continental tournament.

Noong Pebrero naman, pinarangalan si Carlos bilang Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA), kasama ang tennis sensation na si Alex Eala. Lalong naging espesyal ang pagkilala dahil natanggap niya ang prestihiyosong parangal sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Sa kabila ng kanyang sunod-sunod na tagumpay sa sports, ipinakita ni Carlos na mahalaga pa rin para sa kanya ang pamilya. Para sa Olympic champion, ang unang international trip kasama ang kanyang mga kapatid ay isa sa mga alaalang mananatiling espesyal sa kanyang buhay, kasabay ng mga medalya at karangalang kanyang natatamo para sa Pilipinas.