July 07, 2026

Home SPORTS

Rematch ng tapatang Pacman-Mayweather, 'di na matutuloy?

Rematch ng tapatang Pacman-Mayweather, 'di na matutuloy?
Photo courtesy: AP News

Naantala ang inaabangang rematch nina boxing legend Manny Pacquiao at dating undefeated world champion Floyd Mayweather bunsod umano ng mga dinaranas ng kampo ng American boxer.

Ayon sa kampo ni Pacman, iba't ibang dahilan umano ang lumutang mula sa kampo ni Mayweather.

Batay sa paglalarawan ng kampo ni Pacman, ang sitwasyon umano ng panig nina Mayweather ay nahaharap sa, "Volatile mix of federal lawsuits, scheduling overbooks, and financial gridlock completely."

Ayon pa sa pahayag ng kampo ni Pacquiao, nakatakda sanang idaos ang laban sa Setyembre 19 sa Sphere sa Las Vegas at ipapalabas nang live sa Netflix. Gayunman, ipinagpaliban ito dahil sa mga isyung kinahaharap ng panig ni Mayweather.

Dahil dito, sinabi ng kampo ng Filipino boxing icon na ang pinakamaagang posibleng petsa ng laban ay sa unang bahagi pa ng 2027.

Wimbledon, bumati kay Alex Eala sa wikang Filipino: 'Buo ang suporta ng Pilipinas sa'yo!'

Kasabay nito, nahaharap din umano si Mayweather sa kasong isinampa ng events company na CSI na naghahabol ng hindi bababa sa $4.65 milyon na ibinayad para sa eksklusibong karapatan sa pagpo-promote ng rematch nila ni Pacquiao at ng exhibition bout nito laban kay dating heavyweight champion Mike Tyson na hindi natuloy.

Dagdag pa ng kampo ni Pacquiao, "Should Mayweather and CSI settle their internal contract disputes out of court, promoters will immediately pivot to rescheduling a postponed exhibition between Mayweather and Mike Tyson, tentatively targeting 12 September."

Nagharap sina Pacquiao at Mayweather noong 2015 sa tinaguriang "Fight of the Century," na nananatiling isa sa pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boxing. Nagwagi noon si Mayweather sa pamamagitan ng unanimous decision.

Nagbalik si Pacquiao sa professional boxing noong nakaraang taon matapos ang kaniyang pagreretiro noong 2021 at tumabla kay dating WBC welterweight champion Mario Barrios. 

Samantala, si Mayweather ay hindi na lumaban sa professional boxing mula nang talunin si Conor McGregor noong 2017 at nakatuon na lamang sa mga exhibition bouts.