July 23, 2026

Home SHOWBIZ

Pumatol kaya? Herlene Budol, inalok ni 'Gov' ng one night stand sa presyong ₱150k

Pumatol kaya? Herlene Budol, inalok ni 'Gov' ng one night stand sa presyong ₱150k
Photo Courtesy: Herlene Budol (FB), Pexels

Ibinuking ni Kapuso actress-beauty queen Herlene Budol ang “indecent proposal” ng isang gobernador sa kaniya. 

Sa Instagram story ni Herlene noong Biyernes, Hunyo 26, makikita ang screenshot ng mensaheng ipinadala sa kaniya ng halal na opsiyal.

Nagpakilala ang nag-message bilang si "Gov" saka nagtanong kung maaari ba siyang makasama ng isang gabi at magkano raw ba ang rate.

Pero sagot ni Herlene, "Hello gov pakyu sayo na 150k mo! Itulong mo nalang yan sa nasasakupan mong lugar godbless haha!

Samantala, hiniritan naman siya ng clue ng social media personality na si Senyora. Ngunit hindi na tumugon pa si Herlene.

Kakai Bautista, nagsalita matapos ikumpara kay Joy Barcoma

Ang indecent proposal ay tumutukoy sa isang imoral o hindi katanggap-tanggap na alok gaya ng one-night stand kapalit ng malaking halaga o materyal na bagay.

Bukas naman ang Balita sakaling gustuhin ni Herlene na isiwalat pa ang ibang detalye ni Gov.