July 23, 2026

Home SHOWBIZ

Nadine Lustre, 'di takot bumoses sa mga isyung pampolitika

Nadine Lustre, 'di takot bumoses sa mga isyung pampolitika
Photo Courtesy: Screenshots from Karen Davila (YT)

Tahasang inamin ni award-winning actress Nadine Lustre na hindi raw siya natatakot magbigay ng kaniyang opinyon sa mga isyung pampolitika sa Pilipinas.

Sumalang kasi si Nadine sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila noong Huwebes, Hunyo 25, na kinunan mismo sa Siargao kung saan tampok din ang behind-the-scene ng set ng pinakabagong TV series niyang “Love, Siargao” kasama si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Isa sa mga nahagip na topic sa panayam ay ang pagiging vocal ng aktres sa kaniyang mga paninindigan sa iba’t ibang isyu. 

“Iilan lang kayong ganyan. I mean, tinanong ko ‘to kay Vice Ganda, ‘yong iba takot. Hindi ka ba natatakot?” usisa ni Karen.

“Not really,” sagot ni Nadine. “I think, I’m the kind of person who really stands for what I believe in. Unfortunately, a lot of things going on and it’s something you can’t stomach.”

Events

Host ng 'Ipaglaban Mo!' na si Atty. Jose Sison, pumanaw sa edad na 88

“You know, it’s really, really hard to be okay with how our fellow Filipinos are being treated; how everything is treated in our country,” dugtong pa niya.

Matatandaang ilan sa mga tinitindigan ni Nadine ay mga isyung nakakaapekto sa kalikasan at hayop.

Maki-Balita: Nadine, Christophe inalmahan pandarahas sa dambuhalang sawa sa Davao

Maki-Balita: Nadine nagmistulang Mother Earth, nanawagang maging 'vegan'

Bukod dito, hayag din sa publiko ang uri ng politikang sinsuportahan niya. 

Maki-Balita: Nadine Lustre kay Leni Robredo: ‘Best candidate for the presidency!’