Nagbigay ng paglilinaw ang aktor na si Jericho Rosales hinggil sa kasalukuyang kinaroroonan ng kapatid niyang si Jeremiah Rosales.
Ito ay matapos ianunsiyo ng misis ni Jeremiah na si Jhen Go ang pagkawala ng kaniyang mister noong Huwebes, Hunyo 25.
Ayon kay Jhen, huling namataan ang mister niya sa Maia Alta Subdivision sakay ng motorsiklo nito.
Pero sa latest Facebook post ni Jericho nitong Biyernes, Hunyo 26, sinabi niyang nasa probinsya raw si Jeremiah at hindi nawawala.
“Hello everyone. Thank you for your concern. Jeremiah, my brother, is not missing. He is safe and is with our family in the province. God bless you all,” saad ni Jericho.
Samantala, nagbigay na rin naman ng update si Jhen tungkol kay Jeremiah sa pamamagitan ng Facebook post.
Aniya, “Hello everyone. Nahanap napo si Jeremiah Rosales!!!Sa mga tumulong maghanap at nag-reach out sa amin. Thank you po.”
Kabilang sa mga pinasalamatan niya ay sina Julius Babao, Katherine Luna, Ogie Diaz, at ilang news media outlet.
Batay sa mga ulat, nakatakda sanang ipasok si Jeremiah sa rehabilitation facility noong Hunyo 20 dahil sa lumalala niyang kondisyon. Ngunit bago pa man maipasok sa rehab, nakatakas raw siya.
Maki-Balita: Utol ni Jericho Rosales, nahanap na!