July 10, 2026

Home BALITA Internasyonal

‘Visa-on-arrival,’ epektibo na sa mga Pinoy na pupuntang UAE!

‘Visa-on-arrival,’ epektibo na sa mga Pinoy na pupuntang UAE!
Photo courtesy: Unsplash

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na epektibo na ang “Visa-on-Arrival” para sa mga Pilipinong nais mag-travel patungong United Arab Emirates (UAE) simula ngayong Huwebes, Hunyo 25. 

Sa pahayag ng DFA noong Miyerkules, Hunyo 24, ang visa-on-arrival ay eligible sa mga Pilipinong gumagamit ng kanilang kanilang Philippine passports at valid visa, residence permit, o Green Card na na-isyu ng mga bansang: US, European Union member states; Australia, Japan, Singapore, Republic of Korea, Canada, at New Zealand. 

Kung ang eligible traveler ay nais manatili sa UAE sa loob ng 14 na araw, United Arab Emirates dirham (AED) 100 ang babayaran nito. 

Sa ilalim nito, ang visa ay maaaring ma-extend ng karagdagang 14 na araw sa presyong AED 250. 

Kung ang traveler naman ay nais manatili sa UAE sa loob ng 60 na araw, magbabayad ito ng AED 250 at kumpara sa naunang option, hindi ito extendable. 

Internasyonal

Dasal ni Pope Leo XIV ngayong Hulyo: Irespeto ang buhay ng tao

Sa pagtatapos naman ng nasabing pahayag, ang pribilehiyong visa-on-arrival na iginawad sa mga Pinoy ay dahil sa maayos na bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at UAE.