July 06, 2026

Home BALITA Probinsya

Lola, pinaputukan sa ulo ng riding-in-tandem!

Lola, pinaputukan sa ulo ng riding-in-tandem!
Photo courtesy: Unsplash

Nasawi ang isang 70-anyos na babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin na sakay ng motorsiklo sa Barangay Puerto Real, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Sto. Domingo Municipal Police Station (MPS), naghihintay lamang umano ang biktima sa gilid ng national highway nang lapitan siya ng isa sa dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo.

Ayon sa mga awtoridad, bigla na lamang pinaputukan ng backrider ang matandang babae bago mabilis na tumakas kasama ang kaniyang kasamahan patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at mga residente sa lugar upang mabigyan ng paunang lunas ang biktima. 

Isinugod pa siya sa pinakamalapit na ospital ngunit hindi na rin nailigtas ang kaniyang buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala.

Probinsya

Babaeng pulis at kalaguyo niyang pulis, kakasuhan matapos mahuli sa iisang kwarto!

Sa isinagawang pagproseso sa pinangyarihan ng krimen, nakarekober ang mga imbestigador ng mga basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa isang kalibre .45 na baril.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang posibleng motibo sa pamamaslang. Sinusuri rin ng mga awtoridad ang mga posibleng kuha ng CCTV sa lugar at mga karatig na establisimyento na maaaring makatulong sa pagtunton sa mga salarin.

Samantala, nananawagan ang pulisya sa sinumang may impormasyon kaugnay ng insidente na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang mapabilis ang paglutas sa kaso.