Inaresto ng mga awtoridad ang isang 28-anyos na lalaki matapos nitong mabaril ang kaniyang sarili sa isang bar sa Brgy. San Agustin, Malabon City noong Sabado, Hunyo 20.
Batay sa mga ulat, nakikipag-inuman ang lalaki sa kaniyang mga kaibigan at dating katrabaho nang mabaril niya ang sarili.
Base pa sa imbestigasyon ng pulisya, walang lisensya at kaukulang dokumento ang baril ng lalaki.
Matapos mabaril ang sarili, napuruhan at nasugatan niya ang kaniyang kaliwang kamay at binti; kung kaya’t agad naman siyang dinala sa pagamutan.
Depensa sa lalaki, gamit lamang niya ang baril bilang kaniyang proteksyon.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang lalaki, na nahaharap sa kasong Illegal possession of firearms.