July 23, 2026

Home SHOWBIZ Events

Kris dinalaw si P-Noy kahit maraming iniinda: 'Happy 5th birthday in heaven Noy!'

Kris dinalaw si P-Noy kahit maraming iniinda: 'Happy 5th birthday in heaven Noy!'
Photo courtesy: Kris Aquino (IG)/Bam Aquino (FB)

Personal na dumalaw si Queen of All Media Kris Aquino sa puntod ng kaniyang sumakabilang-buhay na kapatid na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III para gunitain ang ikalimang anibersaryo ng pagpanaw nito, nitong Miyerkules, Hunyo 24.

Kasama ang bunsong anak na si Bimby Aquino, maagang nagtungo si Kris sa Manila Memorial Park para maiwasan ang matinding sikat ng araw na maaaring magpalala ng kaniyang kondisyon, ayon sa kaniyang social media post.

Ibinahagi ni Kris na 6:30 pa lamang ng umaga, nasa sementeryo na sila ni Bimby.

Ayon sa TV host-actress, isa sa mga pangunahing dahilan nito, ang pagiging sensitibo niya sa araw dahil sa kaniyang lupus.

"Bimb & I had to go very early, we were in Manila Memorial at 6:30 A.M. Sun exposure is a major trigger for a lupus flare," ani Kris.

Events

Ivana Alawi, Kara David nag-tie sa FAMAS bilang best host for public service

Kasabay ng paggunita sa death anniversary ni Noynoy, nagbigay rin si Kris ng update tungkol sa kaniyang kalusugan.

Inamin niyang matapos ang masiglang pagdiriwang ng kaarawan ni Bimby noong Abril, muli siyang nakaranas ng matinding pagkapagod na iniuugnay sa post-Covid fatigue syndrome.

Ibinahagi rin niya na lumala ang kaniyang rheumatoid arthritis dahil sa pabago-bagong panahon sa bansa.

Ayon kay Kris, namamaga nang husto ang kaniyang kanang tuhod at nakararanas siya ng matinding pananakit ng katawan.

Gayunman, sinabi niyang tinupad pa rin niya ang pangakong maging tapat sa kaniyang mga tagasuporta at magbigay ng update tungkol sa kalagayan sa kabila ng pinagdaraanang health issues.

"I’ve promised to stay true to all of you- from being strong and so close to my goal during Bimb’s birthday in April, i started feeling the full force of post covid fatigue syndrome around the end of May, and our weird weather has made me suffer from the worst Rheumatoid Arthritis flare."

"My right knee is so swollen and with many bone protrusions. But i keep my word, despite going through the worst body pain," aniya.

Nagpasalamat din si Kris sa mga positibong komento para kay Bimby matapos itong mapanood bilang guest host sa noontime show na "Eat Bulaga!" sa TV5.

Matatandaang kinakiligan ng mga netizen ang reunion nila ng isa sa mga host nitong si Ryzza Mae Dizon, na pang-shi-ship pa nga ng mga netizen, parang "AlDub" version 2.0 na raw.

Maki-Balita: Bagong AlDub? It's Showtime pinakumusta, baka raw kinabahan kina Bimby at Ryzza!

Ayon kay Krissy, natural lamang ang anak sa harap ng camera dahil mula pagkabata, nasanay na siya sa showbiz ganap at ilang endorsements, dahil minsan nga, karag-karag niya ang junakis noon pa man.

Pinuri rdn niya si Bimby dahil sa pagiging magalang at madaling pakisamahan, mga katangiang aniya'y natutuhan ng bagets mula sa kaniyang Tito Noynoy.

Sa pagtatapos ng kaniyang mensahe, nagbigay si Kris ng pagbati para sa kaniyang kapatid sa ikalimang anibersaryo ng pagpanaw nito.

"Happy 5th birthday in heaven Noy. Kuya Josh, Bimb & I love you," ani Kris.

Pumanaw si P-Noy noong Hunyo 24, 2021 sa edad na 61, sa sakit na renal disease secondary to diabetes.

Basahin: #BALITAnaw: 'Kayo ang boss ko!' PNoy, ang ika-15 Pangulo ng Pilipinas

Maki-Balita: Dating Pangulong Noynoy Aquino, pumanaw na