July 10, 2026

Home BALITA National

PNP, pabor na pababain ang edad ng criminal responsibility sa 12!

PNP, pabor na pababain ang edad ng criminal responsibility sa 12!
Photo courtesy: RTVM/YT


Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Colonel Allen Rae Co na suportado ng kanilang ahensya ang pagpapababa ng criminal responsibility sa edad na 12.

Kaugnay ito sa malagim na school shooting incident na naganap sa San Jose National High School sa Tacloban City noong umaga ng Lunes, Hunyo 22, na ikinasawi ng tatlong mag-aaral.

Sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Hunyo 23, nag-ugat ang pagpabor nila rito dahil sa umano’y pagtaas ng bilang ng mga kabataang nagkakaroon ng kaugnyan sa mga krimeng lumalaganap sa bansa.

“Hindi naman po lingid sa kaalaman n’yo siguro na medyo nagkakaproblema na po tayo,” saad ni Co.

Ayon sa kaniya, “As a matter of fact, we studied ‘yong data, ‘yong statistics po natin, medyo tumataas po ‘yong na-i-involve na mga CICL—’yong mga Children in Conflict with the Law.”

Diin pa ng PNP spokesperson, kasama pa rin ang konsiderasyon ng discernment kaugnay sa nasabing usapin.

National

Teodoro, Tarriela pumalag: Batanes, 'natural extension' ng Taiwan sey ng ilang Chinese scholars!



“Kaya po sa amin ay titingnan [din] po naman kung may acting with discernment ‘di ba—’di mo naman kumbaga arbitrarily na kasama na kaagad sila… titingnan pa rin naman po kung alam naman po nila ang kanilang ginagawa,” anang PNP spokesperson.