July 23, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

Albie Casiño, nagulat na patay na pala si Ricky Davao: 'That was a shock!'

Albie Casiño, nagulat na patay na pala si Ricky Davao: 'That was a shock!'
Photo courtesy: MB File Photo/Screenshot from YT

Nagulat umano ang aktor na si Albie Casiño nang malamang matagal na palang sumakabilang-buhay ang beteranong aktor at direktor na si Ricky Davao.

Batay sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP), natanong si Albie sa media conference ng "Hibla 2," ang remake ng VMX sa sexy movie na kapareho ang pangalan, na pinagbidahan nina Rica Peralejo at Maui Taylor noong 2002, na ipinalabas naman sa mga sinehan.

Si Albie raw ang gumanap sa role ni Ricky sa nabanggit na remake.

Nang tanungin daw ang aktor kung may pagkakataon bang nagkasama na silang dalawa ni Ricky sa isang proyekto bago sumakabilang-buhay ang aktor, nabigla raw si Albie nang malamang patay na pala ito.

"Ricky Davao passed?!" tanong daw ni Albie.

Pelikula

Matt Damon, bet makatrabaho si Jericho Rosales

Ipinaliwanag naman sa kaniya na pumanaw ang aktor-direktor noong Mayo 1, 2025.

Inamin naman ni Albie na wala siyang alam na pumanaw na pala si Ricky. Maraming pagkakataon na raw silang nagkatrabaho at nagkasama sa mga proyekto.

"I am sorry. I didn't know but, yeah, I know Tito Ricky," sagot ni Albie.

"I didn't know. That was a shock. Condolences," aniya pa.

Naaalala raw niya si Ricky bilang isang professional at talented actor.

Pag-amin pa ni Albie, kahit na isa siyang artista, hindi raw talaga siya mahilig sa showbiz news kaya hindi siya updated sa mga ganap.

“Hindi talaga ako showbiz. Even if I am a celebrity, I am not aware," aniya.

"Oo, nagulat talaga ako. Hindi na ako nangingialam sa buhay ng iba, eh. Masyado nang marami akong problema sa buhay. Hindi ko na poproblemahin yung buhay mo."

"But then again, I am just shocked kasi, of course, we’re in the same industry. I know him personally, I will find about these things," aniya pa.

Maki-Balita: Batikang aktor na si Ricky Davao, pumanaw na