July 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Tinatayang ₱14M halaga ng shabu, nasamsam sa Iloilo!

Tinatayang ₱14M halaga ng shabu, nasamsam sa Iloilo!
Photo courtesy: Unsplash

Tatlong hinihinalang sangkot sa malakihang bentahan ng ilegal na droga ang naaresto matapos makumpiskahan ng mahigit dalawang kilo ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa bayan ng Oton sa Iloilo, nitong madaling araw ng Hunyo 21.

Isinagawa ang operasyon bandang 1:00 ng umaga sa isang bahay sa Florvel Subdivision sa Barangay Buray sa pangunguna ng Police Regional Office 6 (PRO-6) kasama ang iba pang intelligence at anti-drug units.

Nakumpiska ng mga operatiba ang tinatayang 2,055 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na umaabot sa halos ₱14 milyon batay sa standard drug price.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek sa kanilang mga alyas na “Boss,” 26-anyos; “Jude,” 32-anyos; at “Choco,” 28-anyos. Lahat sila ay residente umano ng Molo, Iloilo City at kabilang sa mga itinuturing na high-value individuals o HVI sa operasyon kontra ilegal na droga.

Ayon sa mga awtoridad, matagal nang minamanmanan ang mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa kanilang umano’y pagkakasangkot sa distribusyon ng ilegal na droga sa lalawigan. 

Probinsya

Babaeng nagpuslit ng shabu sa kiffy para sa jowa niya sa piitan, tiklo!

Sa isinagawang operasyon, narekober ang 22 knot-tied transparent plastic bags at 11 heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Naniniwala ang pulisya na ang tatlong suspek ay bahagi ng isang mas malaking network ng ilegal na droga at nagsisilbing pangunahing tagapamahagi ng mga ipinagbabawal na gamot sa ilang lugar sa Iloilo.

Bunga umano ng mahigit isang buwang surveillance, validation, at case build-up ang matagumpay na operasyon, na sinuportahan din ng mga impormasyong ibinigay ng mga concerned citizen.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng kasabwat at ang pinagmulan ng malaking halaga ng hinihinalang shabu na nasamsam sa operasyon.