July 09, 2026

Home BALITA National

'Remembering my father today:' PBBM, bumati ng Father's Day kay Marcos Sr.

'Remembering my father today:' PBBM, bumati ng Father's Day kay Marcos Sr.
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Nagbalik-tanaw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga alaalang iniwan at aral na tinuro ng ama at dating pangulo ni Ferdinand E. Marcos Sr. ngayong Father’s Day, Hunyo 21. 

Sa pagbati ni PBBM sa yumaong ama, inalala niya na isa sa mga hindi niya malilimutang aral mula rito ay ang pagbibigay importansya sa tungkulin, pagpupursige, at paninilbihan sa iba. 

“No matter how much time passes, there are some lessons a son never outgrows. My father taught me the value of duty, the importance of perseverance and the conviction that our lives are measured by what we give of ourselves in service to others,” pagbabalik-tanaw ni PBBM.

Aniya pa, sa mga aral at pagmamahal ni Marcos Sr., nananatili siyang nagpapapasalamat. 

“For those lessons and for his love, I remain deeply grateful,” saad ni PBBM.

National

Mayor Isko, inanunsyo bagong rally sa Liwasang Bonifacio sa Biyernes!

Kaya ngayong pagdiriwang ng Father’s Day, bukod sa pagkilala kay Marcos Sr. bilang ama, kinikilala rin ni PBBM ang lahat pa ng ama, lolo, stepfathers, at father figures na walang sawang nagmamahal at nagsasakripisyo upang hubugin ang buhay ng kanilang mga anak at hinaharap ng bansa. 

“On this Father’s Day, I honor not only my father but all fathers, grandfathers, stepfathers and father figures whose love, sacrifice and presence help shape the lives of their children and the future of our nation,” pagkilala ng Pangulo. 

Matatandaang si Marcos Sr., ay namuno sa Pilipinas bilang Pangulo sa loob ng dalawang dekada. 

Sa mga panahong ito, isinailalim niya ang Pilipinas sa Martial Law, na ayon sa ilan, ay “darkest chapters” sa kasaysayan ng bansa dahil sa umano’y civilian control” at umano’y tahasang paggamit ng kapangyarihan ng militar. 

Ngunit ayon naman sa ilan, si Marcos Sr., ay isang charismatic leader dahil sa kaniyang umano’y pagpoprotekta sa Pilipinas mula sa mga umano’y komunista at mga pagtataas ng langis mula 1973 hanggang 1980. 

MAKI-BALITA: BALITAnaw: Ang 20 taong pamumuno ni Ferdinand Marcos Sr.

KAUGNAY NA BALITA: BALITANAW: Mga 'di malilimutang karanasan ni Apo Lakay sa buwan ng Setyembre