June 28, 2026

Home BALITA

Mga tatay, maaasahan sa gitna ng pagsubok—OVP

Mga tatay, maaasahan sa gitna ng pagsubok—OVP
Photo Courtesy: OVP (FB), Pexels

Nagpaabot ng pagbati ang Office of the Vice President (OVP) para sa lahat ng ama bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Father’s Day.”

Sa latest Facebook post ng OVP nitong Linggo, Hunyo 21, sinabi nilang tatay umano ang maaasahan sa panahon ng pagsubok.

“Sila ang mga taong maaasahan sa panahon ng pagsubok, nagsisilbing gabay sa bawat yugto ng buhay, at nagbibigay ng lakas at pag-asa sa kanilang mga pamilya sa gitna ng mga hamon,” saad ng OVP.

Dagdag pa ng tanggapan, “Sa espesyal na araw na ito, nawa’y maiparating natin sa kanila ang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa kanilang napakahalagang papel sa tahanan at sa lipunan. Ang kanilang pagmamahal, sakripisyo, at paggabay ay nagsisilbing matibay na pundasyon ng bawat pamilyang Pilipino.”

Idinaraos ang Father’s Day tuwing ikatlong linggo ng Hunyo na sinasabing nagsimula sa pamamagitan ng pagkilala kay Sonora Smart Dodd, isang babaeng pinalaki ng single father at Civil War veteran niyang ama na si William Jackson Smart.

Mga batang edad 16 pababa, 'di dapat magkaroon ng 'unsupervised socmed access’—PPS

Hanggang sa noong 1972, anim na taon bago pumanaw si Sonora noong 1978, nilagdaan ni Pangulong Richard Nixon ang isang resolusyon ng Kongreso na nagdedeklara sa pagdiriwang na ito. 

Basahin: BaliTanaw: Pagdiriwang ng Father's Day, kailan at paano nagsimula?