July 17, 2026

Home BALITA Politics

Mga senador sa 20th Congress, may bakla, adik at babaero—Mon Tulfo

Mga senador sa 20th Congress, may bakla, adik at babaero—Mon Tulfo
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Naglabas ng kontrobersyal na pahayag ang dating columnist na si Mon Tulfo matapos niyang ilarawan ang ilang umano'y mga senador na inililihim.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Hunyo 21, 2026, sinabi ni Tulfo na marami umanong tagong isyu at kontrobersiya sa hanay ng mga senador, kabilang ang umano'y impluwensya ng pulitika, mga personal na iskandalo, at iba pang alegasyong may kinalaman sa kanilang pribadong buhay.

"May mga senador daw na tuta ng Malakanyang at tuta ng kapwa senador, ayon mismo sa kasama nilang senador," ani Tulfo.

Bukod dito, nagbanggit siya ng iba't ibang alegasyon laban sa ilang hindi pinangalanang senador.

"May mga bakla. May mga ubod na babaero. May addict sa coc@ine," saad niya.

Politics

'Ilalaban ko na ito!' Sen. Alan, haharapin isyu ng 2019 SEA Games laban sa kaniya

Inilahad din ni Tulfo ang isa pang kontrobersyal na paratang laban sa isang hindi niya pinangalanang mambabatas.

"Bubudburan ng senador na ito ang babae ng coc@ine from bre@st to down there bago daw niya bembangain," aniya.

Bukod sa mga personal na isyu, binanggit din ng mamamahayag ang umano'y pagkakasangkot ng ilan sa mga usaping legal at integridad sa panunungkulan.

"May ex-convict. May nag-fake ng US citizenship. There are one or two who cannot understand English but take part in crafting laws in English," dagdag niya.

Ayon pa kay Tulfo, mayroon ding mga senador na umano'y patuloy na nasasangkot sa mga alegasyon ng katiwalian sa kabila ng mga kasong kanilang kinaharap noon.

"May mga di na nadala kahit sinampahan ng plunder noong una pero patuloy pa rin sa pagsasamsam sa kaban ng bayan," aniya.

Nagbanggit din siya ng isang senador na aniya'y may kakaibang personal na sitwasyon sa pamilya.

"May isang senador na ipinasa sa kaniya ng kaniyang ama ang kaniyang seckretarya bago namatay ang matanda at asawa na niya ang babae ngayon. Pero di umiiskor ang senador na ito sa kaniyang misis dahil bakla siya," pahayag ni Tulfo.

Hindi naman tinukoy ng mamamahayag ang pagkakakilanlan ng mga senador na kaniyang tinutukoy, at wala rin siyang inilabas na ebidensiyang sumusuporta sa mga alegasyon.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa Senado o sa mga senador kaugnay ng mga paratang na inilahad ni Tulfo. Nanatili ring hindi pa nabeberipika ang mga naturang alegasyon sa oras ng pagsulat ng ulat na ito.