Nakakakilig na Father’s Day greeting ang ipinahatid ni First Lady para sa asawang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Linggo, Hunyo 21.
“Our children may call you pops, the nation may call you Mr. President, but I’m the lucky one who gets to you mine,” paunang pagbati ni FL Liza kay PBBM.
“Thank you for your strength, your patience, your terrible jokes and your big heart,” dagdag pa ng unang ginang.
Aniya pa, mas makabuluhan ang kaniyang buhay dahil tinatahak niya ito kasama ang Pangulo.
“Life is sweeter, funnier and far more meaningful because I get to walk through it with you,” matamis na saad ni FL Liza.
Sa nasabi pang pagbati, isang “executive order” para kay PBBM ang pinirmahan nina FL Liza at kanilang mga anak na sina Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos, Simon Marcos, at Vincent “Vinny Marcos.”
“PS: By virtue of our Executive Order, you are hereby directed to REST today!” pabirong utos ni FL Liza kay PBBM.
Sa artikulong ito rin, ipinag-uutos ng pamilya Marcos ang pansamantalang pagpapahinga ni PBBM mula sa mga pagpupulong at pagkakaroon ng panghimagas sa pagkain bilang “treat.”