July 13, 2026

Home BALITA Probinsya

6-anyos na paslit, pinatay at pinaghihinalaang ginahasa pa ng 15-anyos

6-anyos na paslit, pinatay at pinaghihinalaang ginahasa pa ng 15-anyos
Photo courtesy: Unsplash

Natagpuang patay na ang anim na taong gulang na batang babae matapos siyang ilang oras na napaulat na nawawala sa Tarlac noong Biyernes, Hunyo 19, 2026.

Ayon sa mga ulat, galing eskwelahan noon ang biktima at nakauniporme pa nang huli siyang nakitang buhay.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang 15-anyos na binatilyo ang huling nakasama ng biktima bago siya natagpuang patay.

Batay sa kuha ng CCTV, mismong ang binatilyo ang sumundo sa biktima. Napag-alamang hindi na raw iba ang nautusang binatilyo sa pamilya ng biktima dahil malimit na rin nila siyang nauutusan upang ihatid at sunduin ang biktima mula sa paaralan.

Samantala, humiling na ng medico-legal examination ang kaanak ng biktima upang matukoy kung nakaranas pa siya nang pang-aabuso mula sa kamay ng binatilyo bago siya pinaslang.

Probinsya

89-anyos na pasyenteng natawid sa pedestrian lane, nabundol ng van!

Itinuturing na ngayon na person of interest ang naturang binatilyo. Kasalukuyan siyang nasa  kustodiya ng social welfare authorities alinsunod sa Juvenile Justice and Welfare Act. 

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upabg matukoy ang motibo sa likod ng krimen.