Naghain ng resolusyon sa Senado si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan bilang pagkilala sa makasaysayang tagumpay ng Filipino-American National Basketball Association (NBA) star player na si Jordan Clarkson.
Matatandaang pinataob ng koponang kinabibilangan ni Clarkson na New York Knicks sa Game 5 ng NBA Finals noong Hunyo 13, 2026, ang katunggaling San Antonio Spurs.
Si Clarkson ang naitalagang kauna-unahang Filipino descent na nakakuha ng kampeonato sa naturang pinakamataas na Basketball league sa buong mundo.
Sa naging pahayag ni Pangilinan sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Hunyo 20, makikita ang larawan ni Clarkson habang bitbit niya ang watawat ng Pilipinas habang may nakasulat na “Isang makasaysayang tagumpay para sa lahing Pinoy.”
Photo courtesy: Kiko Pangilinan (FB).
Ani Pangilinan, inihain daw niya sa Senado ang Senate Resolution No. 463 upang pormal na kilalanin ang tagumpay na nakamit ni Clarkson bilang isang may dugong Pilipino.
“Layunin ng Proposed Senate Resolution No. 463 na pormal na kilalanin ang natatanging tagumpay ng shooting guard ng New York Knicks at parangalan ang kanyang mahalagang ambag sa panalo ng koponan,” aniya.
Pagpapatuloy niya, nagbukas daw si Clarkson ng daan para sa mga susunod na henerasyon ng mga basketbolistang Pilipino na nangangarap ding makatuntong sa mga court ng NBA.
“Jordan Taylor Clarkson's historic win in the 2026 NBA Championship Finals, makes him the first Filipino NBA Champion, cementing Filipino achievements in the hallowed history of the NBA, and paving the way for future generations of Filipino athletes,” pagtatapos pa niya.
Ito na ikatlong pagkakataon na makamin ng New York Knicks ang kampeonato sa NBA magmula pa noong 1970 at 1973.