July 23, 2026

Home SPORTS

Mga dokumento sa repatriation ng mga labi ni Divine Adili, isinasapinal na ng ADMU

Mga dokumento sa repatriation ng mga labi ni Divine Adili, isinasapinal na ng ADMU
Photo courtesy: Adili Elias (FB)

Patuloy na pinaghahandaan ng pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang nalalapit na repatriation ng mga labi ng foreign student-athlete na si Divine Adili sa Nigeria, kung saan ito ilalagak ayon sa kahilingan ng kaniyang naulilang pamilya. 

Sa paghahanda ring ito, binanggit ng ADMU na magpapadala ang kanilang pamunuan ng dalawang representante upang asikasuhin ang mga requirement para sa repatriation tulad ng mga bakuna at medikasyon, sa pagpasok sa Nigeria. 

“The University has committed to sending two representatives to accompany Divine on his final journey home. One of them, Fr Munching de Guzman SJ, has begun the necessary preparations for travel, including obtaining the required vaccinations and medications for entry into Nigeria,” saad ng ADMU.

Habang isinasapinal din ang iba pang dokumento at travel arrangements sa pakikipagtulungan sa pamilya ni Divine at mga awtoridad, tiniyak ng ADMU na ang pagbabalik ng labi ng student-athlete sa kaniyang tahanan ay isinasagawa ng may dignidad, pangangalaga, at respeto. 

“While documentary and travel arrangements are still being finalized in coordination with Divine's family and the relevant authorities, preparations continue to ensure that Divine's return home is carried out with dignity, care, and respect,” pagtitiyak ng ADMU. 

Mantra ni Alex Eala: ‘Wag magduda!