Sinelyo ng magkapatid na sina Carlos at Karl Eldrew Yulo ang ginto at bronze medal sa naging pagtatapat nila sa floor exercise final sa 13th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Zunyi, China, nitong Hunyo 20, 2026.
Nakakuha ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos ang puntos na 14.700 dahilan para mapasakaniya ang gintong medalya.
Habang nakapagtala naman puntos na 14.300 ang nakababatang kapatid na si Eldrew dahilan para makuha niya ang bronze medal.
Manipis na 0.300 puntos lang ang naging kalamangan ng pambato ng Japan na si Shona Tsukiyama kay Eldrew dahilan para mapasakaniya ang silver na medalya.
Samantala, muling haharap si Carlos sa mga apparatus na parallel bars at horizontal bar, habang haharap naman si Eldrew sa horizontal bar.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaharap ang magkapatid na Yulo sa Asian championships at unang beses ni Eldrew na masungkit ang kaniyang medalya sa senior tournament.
Matatandaang noon lamang Nobyembre 2025 ay inihayag ni Eldrew na hindi raw siya nagpapaapekto umano’y pagkukumpara ng publiko sa kaniya sa panganay na kapatid na si Carlo.
Paglilinaw ni Eldrew, “You have different styles. You have different paths in life. So kung anoman ‘yong sinasabi ng ibang tao, I don’t care.”
Ani Eldrew, para lang daw nagsasalita sa bato ang mga tao sa pagkukumpara nila sa kaniya at sa kapatid nito.
KAUGNAY NA BALITA: 'I don't give a damn!' Karl Eldrew Yulo, 'di nadadala sa pagkukumpara sa kuyang si Carlos Yulo
KAUGNAY NA BALITA: Golden Boy ulit! Carlos Yulo, nasungkit ang ginto sa men's vault sa world championship!