July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Ilang lugar sa Luzon, posibleng maapektuhan ng rocket launch ng China sa Hunyo 23

Ilang lugar sa Luzon, posibleng maapektuhan ng rocket launch ng China sa Hunyo 23
Photo courtesy: Unsplash

Naglabas ng temporary maritime restrictions ang Coast Guard District North Eastern Luzon sa mga mangingisda at operator ng mga sasakyang pandagat dahil sa posibleng pagtama ng debris mula sa rocket launch ng China sa darating na Martes, Hunyo 23. 

Ayon sa inilabas na pahayag ng Coast Guard nitong Sabado, Hunyo 20, ang launch ng Long March 7A rocket mula sa Wenchang Space Launch Site, sa Wenchang, Hainan, ay gaganapin ng bandang 10:02 AM hanggang 11:04 AM (Philippine Standard Time). 

Ang ilang parte ng Long March 7A rocket ay inaasahang mahulog sa mga sumusunod na drop zones: 

Drop Zone 1: Approximately 42 nautical miles (NM) mula Burgos, Ilocos Norte; at 65 NM mula sa Dalupiri Island, Cagayan. 

Drop Zone 2: Approximately 60 NM mula Santa Ana, Cagayan; at 72 NM mula Camiguin Norte. 

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Kaya ipinaalala ng Coast Guard sa mga mangingisda at operator ng mga sasakyang pandagat na iwasang lapitan, hawakan, o i-retrieve ang rocket debris. 

Anumang mga bagay na makitang lumutang sa tubig ay mahalagang maipagbigay-alam sa Coast Guard personnel o lokal na mga awtoridad.