July 25, 2026

Home BALITA Probinsya

92 ROTC cadets sa Iloilo, na-’food poison’ sa kinaing adobong baboy!

92 ROTC cadets sa Iloilo, na-’food poison’ sa kinaing adobong baboy!
Photo courtesy: 6th Regional Community Defense Group, Reserve Command, Philippine Army (FB), Unsplash

Isinugod sa ospital ang 92 kadete ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa Dingle, Iloilo, matapos silang makitaan ng mga sintomas ng food poisoning mula sa kinaing adobong baboy, kamakailan. 

Ayon kay Dr. Maria Socorro C. Quinon, na Provincial Health Officer II (PHO) ng Iloilo Provincial Government, ilan sa mga kadete ay nakaranas ng pagsusuka, pagsakit ng tiyan, habang ang iba ay nakaranas ng mild symptoms, 30 minuto matapos nilang kainin ang adobong baboy, noong Miyerkules, Hunyo 17. 

Saad ng Iloilo Provincial Health Office (PHO), ang mga kumpirmadong biktima ay idinala sa Iloilo Provincial Hospital sa Pototan, Don Jose Monfort Medical Center sa Barotac Nuevo, Ramon D. Duremdes District Hospital sa Dumangas, at  Valerio Palmares Sr. Memorial District Hospital sa Passi City. 

Dahil sa maagap na pagtugon, naiulat ng 6th Regional Community Defense Group (6RCDG) na  stable na ang kondisyon ng mga naapektuhang kadete at na-discharge na ang mga ito  sa ospital pagdating ng Huwebes, Hunyo 18. 

Sa iba pang ulat, binanggit na ang Iloilo PHO Epidemiology and Surveillance Unit (ESU) ay kumuha ng sample ng mga pagkain at tubig ng mga kadete upang isailalim sa confirmatory tests at imbestigahan ang posibleng dulot ng foodborne illness.

Probinsya

Bahay ni Torre, binaha: 'Maraming pamilya sa Davao City paulit-ulit na nalulubog sa baha taon-taon!'