July 23, 2026

Home BALITA Metro

Truck driver na nagulungan ang isang babae, inakalang nalubak lang siya sa daan!

Truck driver na nagulungan ang isang babae, inakalang nalubak lang siya sa daan!
Photo courtesy: Contributed photo

Trahedya ang sinapit ng isang babae matapos siyang masagasaan at magulungan ng isang dump truck habang tumatawid sa pedestrian lane sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, nasa pedestrian lane ang biktima nang madaanan siya ng truck. Sa kabila ng mabagal na takbo ng sasakyan, hindi umano napansin ng driver na may tumatawid sa kaniyang daraanan hanggang sa maganap ang aksidente.

Ayon sa driver, inakala niyang nalubak lamang ang kaniyang minamanehong truck nang makaramdam siya ng pag-alog habang umaandar. Hindi rin umano niya agad nakita ang biktima dahil nasa blind spot ito ng sasakyan.

Nalaman lamang niya ang nangyari nang mapansin ang kaguluhan sa paligid at makita ang biktima sa pamamagitan ng side mirror. 

Agad siyang bumaba ng sasakyan kasama ang kanyang pahinante upang tingnan ang sitwasyon.

Metro

Ilog sa Antipolo, ‘bumula’ matapos tapunan ng pinaglabahang tubig!

Sa pahayag ng Quezon City Police District-Traffic Sector 5, mahalagang maging alerto ang mga motorista lalo na kapag dumaraan sa pedestrian lane.

“Pedestrian po kasi iyon. So, concern po ng motorista na maging aware sa mga tumatawid. Ang nangyari tuloy, hindi niya napansin talaga na may tumatawid doon kaya po na-run over po iyong biktima,” ayon kay Police Captain Paul Norman Larugal, Deputy Chief ng Traffic Sector 5 ng QCPD.

Agad na rumesponde ang mga medical personnel sa lugar ngunit idineklara nilang dead on the spot ang biktima dahil sa matinding pinsalang tinamo nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Traffic Sector 5 ang driver habang isinasailalim sa inquest proceedings. Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicide kaugnay ng insidente.

Patuloy namang nagpapaalala ang mga awtoridad sa mga motorista, lalo na sa mga nagmamaneho ng malalaking sasakyan, na maging mas maingat at tiyaking malinaw ang kanilang paligid upang maiwasan ang mga aksidenteng katulad nito.