July 08, 2026

Home BALITA Metro

Maynila, ‘special non-working day’ sa Hunyo 24 – Malacañang

Maynila, ‘special non-working day’ sa Hunyo 24 – Malacañang
Photo courtesy: MB

Idineklara ng Malacañang na “special non-working day” ang Hunyo 24 sa Maynila bilang pagdiriwang ng ika-455 founding anniversary nito. 

Sa inilabas na pahayag ng Manila local government unit sa kanilang social media na sa araw ding ito gaganapin ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang kaniyang State of the City Address (SOCA) sa Quirino Grandstand. 

Ang gaganapin ding SOCA ay marka ng unang taon ng administrasyon ni Mayor Isko sa ilalim ng “Bilis Kilos 2.0,” na ikalawang bersyon ng Online Complaint Desk sa lungsod na unang inilabas noong 2019. 

Sa temang “Matatag sa Hamon, Pinagtibay ng Panahon,” na layong bigyang pugay ang makulay na kasaysayan at kultura ng Maynila, layon ng proklamasyon na mabigyang oportunidad ang mga Manileño na i-enjoy at maipagdiwang ang selebrasyon. 

Metro

7-anyos na lalaki, patay matapos maanod, malunod sa ilog sa QC