July 15, 2026

Home BALITA Probinsya

Kalye, binaha ng alak matapos mabasag halos 2k bote ng beer

Kalye, binaha ng alak matapos mabasag halos 2k bote ng beer
Photo courtesy: Kap. Edwin Divina


Tila nalasing ang isang kalsada sa Brgy. Buhatan, Sorsogon noong Martes ng gabi, Hunyo 16, matapos mabasag ang halos 2,000 bote ng beer na lulan ng isang tumagilid na delivery truck.

Batay sa mga ulat, overloaded umano ang naturang truck at mabilis ang patakbo ng driver, habang binabagtas nito ang pakurbang bahagi ng kalye.

Pagkumpirma naman ng punong barangay ng Buhatan, Sorsogon na si Kap. Edwin Divina, wala namang napaulat na nadamay sa nangyaring aksidente.

Pinasalamatan din niya ang mga residenteng nagbayanihan upang agad na malinis ang kalsada at madaanan na ng mga sasakyan.

Probinsya

Bombang 'di sumabog, narekober sa Davao City