July 23, 2026

Home BALITA Metro

5 suspek na nagbebenta ng mga expired na pagkain sa Maynila, nasakote na!

5 suspek na nagbebenta ng mga expired na pagkain sa Maynila, nasakote na!
Photo courtesy: Manila Public Information Office (FB)

Naaresto sa isinagawang operasyon ng Special Mayor’s Reaction Time (SMaRT) ng Manila local government unit (LGU) ang limang suspek na nagbebenta ng mga mura ngunit expired na pagkain sa Quiapo, Maynila.

Sa programang “Talk to the People” ni Manila City Isko Moreno Domagoso noong Miyerkules, Hunyo 17, inihayag niyang ang mga nasabing suspek ay trabahador ng mga expired na pagkain sa Quiapo.

Saad ni PCol. Edward Samonte, na hepe ng SMaRT, ang mga nasamsam na expired na produkto ay tinatayang ₱950,000.

Bunsod ng panganib nito sa kalusugan, direktang nanawagan si Mayor Isko sa umano’y amo ng mga naturang manggagawa, na ikanta na nila ang kanilang kasabwat sa isinasagawang imbestigasyon.

“Dahil nandito na yung mga tauhan mo, bibigyan kita ng pagkakataon. Marivic Jaime, taga-Makati ka. Siguro naman by this time, magtataka ka bakit alam namin kung nasaan ka. Ako, ang payo ko, sumuko na lang kayo. Harapin n’yo yung kaso,” ani Mayor Isko. 

Metro

Ilog sa Antipolo, ‘bumula’ matapos tapunan ng pinaglabahang tubig!