July 15, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Tom Holland, aksidenteng kinumpirma kasal nila ni Zendaya?

Tom Holland, aksidenteng kinumpirma kasal nila ni Zendaya?
Photo Courtesy: Tom Holland, Zendaya (IG)

Tila nadulas si “Spiderman: Brand New Day” star Tom Holland tungkol sa pag-iisang-dibdib nila ng co-star at partner niyang si Zendaya.

Nausisa kasi si Tom sa men’s lifestyle magazine kung nasabi ba niya sa kaniyang mga kapamilya ang tungkol sa kumalat na AI-generated photos nila ni Zendaya na nakausot ng pangkasal.

“No,” sagot ni Tom, “because they were all there.”

Dagdag pa niya, “That’s all you’ll get on that.”

Samantala, ibinahagi naman ni Tom kung paano nila sinusuportahan ang isa’t isa sa kani-kanilang karera bilang mga artista.

Relasyon at Hiwalayan

One More Chance? Makati City Mayor Nancy Binay, nag-officiate sa kasal nina Bea Alonzo-Vincent Co

Aniya, “We can support each other in ways that only we can, because only we understand really what it’s like to live this life, and I think that is such a luxury, because I just don’t understand how I would be able to have anything like that with anyone else.

“So, for me, I found my person. She’s my best friend, and I’m the happiest I have ever been when I’m with her, but I have also never felt so supported and safe, ever. Period,” dugtong pa ni Tom.

Nauna nang kinumpirma noong Marso ng longtime stylist ni Zendaya na si Law Roach na ikinasal na ang kliyente niya kay Tom.

Matatandaang 2025 pa lang ay lumutang na ang usap-usapan na engaged na ang dalawa. Ito ay matapos maispatang  may suot na diamond ring si Zendaya sa dinaluhang Golden Globes Awards.

Pinaniniwalaang nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan matapos gumanap sa “Spider-Man: Homecoming” ng Sony at Marvel Cinematic Universe noong 2017.

Maki-Balita: Tom Holland, Zendaya kasal na!—stylist