July 23, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Migz, pinasalamatan si Sen. Joel; hindi raw sinuhulan para umanib sa majority

Sen. Migz, pinasalamatan si Sen. Joel; hindi raw sinuhulan para umanib sa majority
Photo courtesy: Senate of the Philippines/FB


Nagpasalamat si Senate Majority Leader Migz Zubiri kay Sen. Joel Villanueva matapos ang tuluyang pag-anib nito sa majority bloc nitong Miyerkules, Hunyo 17.

Dahil sa paglahok ni Sen. Villanueva sa mayorya, ganap nang nabuo ang 13 senador—sapat na bilang na nagbigay-daan kay Sen. Sherwin Gatchalian upang mahalal bilang bagong Pangulo ng Senado.

Sa pahayag na ibinahagi ni Sen. Zubiri sa media nito ring Miyerkules,  Hunyo 17, iginiit niya ang umano’y kagustuhan ni Sen. Villanueva na muling magtrabaho, at ang aniya’y frustration nito sa mga pangyayari sa Senado.

“No, Senator Joel [Villanueva], gusto lang po niya magtrabaho,” saad ni Sen. Zubiri.

Aniya, “Nag-usap po kami kasama ni Senator JV [Ejercito], sa kaniya, at talagang frustrated din po siya dahil sa pangyayari na hindi na tayo nakakatrabaho.”

Politics

'T*ng*han mo pa ngayon!' Ka Leody, binira si Sen. Robin!



“Nakita n’yo naman na kanina, ang dami niyang mga amendments na binigay sa mga batas, may panukala, at naipasa natin itong mga panukala sa tulong niya—so gusto po namin back to work,” dagdag pa niya.

Pagdidiin ni Sen. Zubiri, kilala raw si Sen. Villanueva bilang isa sa mga trabahador sa Senado.

“And Senator Joel [Villanueva] has always been known as being one of the trabahadors ng Senado…so, sa tingin ko, gusto na niya talagang bumalik sa dati natin na siyempre paggagawa ng batas, maging mga legislators to legislate,” aniya.

Siwalat pa ng bagong majority leader, mabigat umano ang mga pangyayari para sa bagong miyembro ng mayorya.

“So, we thank Senator Joel [Villanueva]. Alam mo, mabigat din para sa kaniya ‘yong pangyayaring ito pero gusto po natin siyang pasalamatan dahil above the call of duty, nandito po siya, nagtrabaho po siya at wala pong mga sinasabing mga tsismis na may mga pamimigay or mga concessions, none whatsoever,” anang majority leader.

“We just want to thank him for his love for country, love for the Senate, at nagpapasalamat po kami sa kaniya,” dagdag pa niya.

Binira naman ni Sen. Zubiri ang mga usap-usapan at haka-haka tungkol sa umano’y panunuhol at pananakot kay Sen. Villanueva.


“Wala namang katotohanan ‘yon! You know, contrary to what his opinion is, marami po sa ating mga kasamahan na gusto na lang bumalik sa trabaho, ‘di ba?” ani Sen. Zubiri.

Iniyahayag din ng mambabatas ang pagiging emosyonal niya matapos bumalik ang “seatmate” niya sa Senado.

“Alam mo, actually, naging emotional po ako noong isang araw, when I sent him a video message thanking him for his dedication to the Senate and to the country,” anang mambabatas.

Aniya, “I got emotional dahil siyempre magkakasama kami muli kaming mga seatmates; at nakita n’yo naman, ‘pag magkasama po kami, marami kaming ipapasa na batas para sa bayan.”

“Wala nang drama, wala nang mga delays pa, magtrabaho na po tayo. Back to work muna tayo, back to work,” pagtatapos ni Sen. Zubiri.