July 23, 2026

Home BALITA Politics

Mon Tulfo, tinawag na 'pulpol, dinuguan, 18 buffoons,' sina Atty. Baligod, Sen. Marcoleta at 18 ex-bodyguards

Mon Tulfo, tinawag na 'pulpol, dinuguan, 18 buffoons,' sina Atty. Baligod, Sen. Marcoleta at 18 ex-bodyguards
PHOTO COURTESY: MB FILE PHOTO, MON TULFO/FB

Tinuligsa ng retired columnist na si Ramon "Mon" Tulfo ang mga paratang sa kaniya ng 18 ex-bodyguards na umano'y nakatanggap daw siya ng maletang puno ng pera.

Sa Facebook post nitong Miyerkules, Hunyo 17, 2026, tahasang pinatutsadahan ni Tulfo ang mga alegasyong iniuugnay sa kaniya ng 18 ex-bodyguards.

"I’m amused at the antics of Atty. Levi  “Pulpol” Baligod and Sen. Dante “Dinuguan” Marcoleta who taught the 18 buffoons (fake marines) to make the outrageous accusation," ani Tulfo.

Saad pa niya, desidido na rin daw siya na hindi siya magsasampa ng anumang reklamo laban sa kampo ng 18 ex-bodyguards, sa kabila ng pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu ng umano'y mga maletang naglalaman ng kickback mula sa flood control projects.

"I am not taking any legal action against the pulpol abogado, the dinuguan-eating senator and those buffoons, as I told DZMM in an interview this morning," saad ni Tulfo.

Politics

'T*ng*han mo pa ngayon!' Ka Leody, binira si Sen. Robin!

Hirit pa niya, "Why not? Because not only can I take what I dish out but I can also take a funny joke on me."

Matatandaang noong Martes, Hunyo 16 nang muling nagsagawa ng press conference ang 18 ex-bodyguards o mas binabansagan na ngayong “maleta boys,” kasama si dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor.

Sa naturang press conference, ilang indibidwal pa ang pinangalanan nilang nakatanggap umano ng maleta kabilang Sen. Chiz Escudero, Sen. Kiko Pangilinan, Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia at batikang mamamahayag na si Arnold Clavio.