Isang unidentified metallic debris na naglalaman ng foreign markings ang natagpuan sa baybayin ng Barangay Luyahan, Lian, Batangas noong Lunes, Hunyo 15.
Batay sa ulat na ibinahagi ng Coast Guard Station Batangas, napag-alaman ang presensya ng debris matapos silang makatanggap ng report mula sa isang concerned citizen na nakakita nito sa nasabing baybayin.
Matapos matanggap ang ulat, nagsagawa ng agarang pag-inspeksyon ang awtoridad—kung saan napag-alamang may sukat na 20 talampakan ang haba at 10.5 talampakan ang lapad ang debris.
Anila pa, yari ito sa aluminum na maaaring tumutukoy sa “Antenna Transmission Window 5.”
Patuloy namang inaalam kung saan nga ba nanggaling ang unidentified debris.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim na ito ng kustodiya ng Philippine Coast Guard (PCG).
Siniguro naman nilang agad silang magbibigay ng update kung may panibagong impormasyong mapag-alaman kaugnay dito.