June 19, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rabiya Mateo, sinopla hirit ni Jake Cuenca: ‘Lande mo!’

Rabiya Mateo, sinopla hirit ni Jake Cuenca: ‘Lande mo!’
Photo Courtesy: Rabiya Mateo, Jake Cuenca (IG)

Tila pabirong binara ni Kapuso beauty queen-actress Rabiya Mateo ang nakakakilig na banat sa kaniya ng boyfriend na si Jake Cuenca.

Sa isang Instagram kasi ni Rabiya kamakailan, ibinahagi niya ang pak na pak niyang mga larawan na kuha sa ginanap na 10th anniversary ng isang skincare brand.

Napakomento tuloy si Jake. Sabi niya, “I was busy admiring the scenery here in the UK… until you posted this. Now it’s hard to focus. ”

Pero sa halip na gantihan ng sweet reply, sinopla ni Rabiya ang flirty comment ng nobyo.

“Lande mo” tugon ni Rabiya.

Relasyon at Hiwalayan

Tom Holland, aksidenteng kinumpirma kasal nila ni Zendaya?

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang sagutan ng dalawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

" Awwwww she's absolutely stunning. Can't blame ya Jake haha. Stay in love. Welcome to the UK. I'm from the Midlands. Helloooo both good looking couple. "

"So sweet! Perfect match kayo. We love you both and wish you all the happiness! @rabiyamateo"

"Here's the correct response: Awwww you're sweet, and I hope you enjoy the view "

"grabe magmahal @rabiyamateo ..bagay na bagay kayo"

Matatandaang kinumpirma ni Jake ang relasyon nila ni Rabiya noong Mayo. Pero noong Marso pa lang ay nagsimula nang lumutang ang espekulasyon na may namamagitan sa dalawa matapos silang maispatang magkasama sa Bonifacio Global City (BGC).

Maki-Balita: Jake Cuenca, Rabiya Mateo naispatang magkasama?