July 15, 2026

Home BALITA Probinsya

Philippine tarsier, nasagip matapos mamataan malapit sa isang creek

Philippine tarsier, nasagip matapos mamataan malapit sa isang creek
Photo courtesy: DENR Soccsksargen/FB


Matagumpay na na-rescue ng isang indibidwal ang isang Philippine tarsier matapos matagpuan malapit sa isang creek sa Purok Mangga, Barangay Paco, Kidapawan City sa lalawigan ng Cotabato noong Linggo, Hunyo 14.

Batay sa ulat na ibinahagi ng DENR Soccsksargen noong Lunes, Hunyo 15, agad na dinala ng indibidwal, na kinilalang si Danny Cimafranca, ang tarsier sa mga opisyal ng barangay.

Matapos nito, iniulat naman sa City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) ang pagkakaligtas sa naturang hayop, na siyang itinurn-over din sa DENR-PENRO Cotabato para sa tamang pangangalaga at wastong obserbasyon.

Base pa sa mga impormasyong inilatag ng departamento, aabot umano sa 120 gramo ang bigat ng hayop—na hindi naman nakitaan ng anumang injury, base na rin sa kumpirmasyon ng city veterinarian na si Dr. Jessa Del Remonde.

Nang mapag-alamang handa nang pakawalan ang tarsier, agad naman itong ibinalik ng mga awtoridad sa natural nitong tirahan.

Probinsya

Kawatan, tiklo matapos maligo sa bahay na pagnanakawan niya!



Paliwanag ng DENR Soccsksargen, ang Philippine tarsier ay isang uri ng primate na endemic o makikita lamang sa Pilipinas—partikular na sa mga kagubatan ng Mindanao at karatig-isla nito.