July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos kay Vice Ganda: Mariz Umali, kinababanasan ng ilang BTS fans!

Matapos kay Vice Ganda: Mariz Umali, kinababanasan ng ilang BTS fans!
Photo courtesy: Screenshot from Mariz Umali (FB)/MB File Photo

Hindi pa tapos ang ilang avid fans ng sikat na sikat na all-male South Korean boy group na "BTS" dahil sa isyu ng pagkuha ng ticket para makanood ng concert ng grupo, nang ganoon lang daw kadali.

Sa kasalukuyan naman, binabanatan ng ilang netizen ang Kapuso news anchor na si Mariz Umali matapos i-flex ang panonood nila ng mister na kapwa Kapuso news anchor na si Raffy Tima, sa South Korea para sa "Arirang in Busan 2026" ng grupo, para sa kanilang 13th anniversary.

Aminado kasi si Mariz na isa siyang BTS fan o "Army."

Noong Hunyo 12, ibinida ni Mariz ang pagtungo nila ni Raffy sa SoKor dahil may panonoorin daw silang concert, na natunugan na nga ng mga netizen na tumutukoy sa BTS concert.

"We’re on a train to Busan. Zombies? Not now. We have a concert to catch," mababasa sa post ni Mariz.

Tsika at Intriga

Unexpectedly yours! Sen. Robin flinex si Joshua Garcia, pang-asar sa Kakampinks?

Sabado, Hunyo 13, ibinida na nga ni Mariz na nasa BTS concert nga siya, at tila hindi lang personal na panonood ito kundi magbibigay rin siya ng updates para sa GMA News; ibig sabihin, parte pa rin ito ng kaniyang coverage bilang isang mamamahayag.

"Sa mga kapwa ko Army, ito po ang pinakasariwang update mula rito sa Busan, South Korea BTS official GMA News," ani Mariz.

Linggo, Hunyo 14, ibinida ni Mariz na nag-uumapaw sa kaligayan ang kaniyang "Army heart"matapos mapanood nang personal ang BTS concert at makita ang pitong miyembro nitong sina Jin, Suga, J-Hope, RM, Jimin, V, at Jung Kook,

"Happy Festa, BTS official !!! My army is overjoyed to see u again and on your 13th anniversary,"mababasa sa post ng mamamahayag.

Ibinida ni Mariz sa kaniyang social media posts ang ilang videoclips ng panonood nila ni Raffy sa nabanggit na concert, bagay na kinukuwestyon ng mga netizen kung paano siya nakakuha o nakapag-avail.

Ang punto ng mga netizen, may ilang celebrities daw na talagang hindi gumamit ng impluwensya o "Ticket Purchasing Assistance" para lang makakuha ng ticket, na talagang pahirapan makakuha dahil sa dami ng mga gustong manood at bumili ng concert ticket. Isa nga sa mga hinalimbawa ng mga netizen si Miss World 2013 at Kapuso actress Megan Young.

Inaakusahan ng mga netizen si Mariz na umano'y baka "ginamit" ang kaniyang pagiging reporter o journalist para lang makapag-avail ng BTS concert ticket.

Mas lalo pang nag-init ang ulo ng mga netizen nang makita nilang naka-tag daw sa post ni Mariz ang "OneTic" na kilala raw na nagbibigay ng TPA.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa posts ni Mariz.

"How come?? From Goyang to Busan VIP soundcheck parehong secured seats? Kawawa naman yung mga ARMYs na kicked out na lumalaban ng patas."

"Naka-tag talaga si onetic hahahahahahahaahaha who’s gonna tell her."

"Megan Young can't relate, she got her tickets fair and square."

"Iba talaga onetic lakas. Prinomote pa kamo."

"Madam, enjoy ninyo na lang po at wag ninyo na po i-tag ang Onetic."

"TPA PA MOREEEE!!!!! Biglang untagged hahahahahaha di nako magugulat kung asa Bulacan din to."

"huli pero di kulong"

Gayunman, ilang netizens din ang nagtanggol kay Mariz at sinabing huwag agad akusahan ang mamamahayag, dahil baka pumila at dumaan naman sa tamang proseso ang pagkakakuha niya ng ticket para makapasok sa venue at makanood ng concert.

BINANATAN SI VICE GANDA

Bago si Mariz, nauna na munang binanatan ng ilang BTS fans si Unkabogable Star Vice Ganda, matapos paratangang nang-hoard ng BTS concert tickets para sa gaganaping concert ng grupo sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan, na magaganap sa Marso 2027 pa.

Ang naturang concert sa Pilipinas ay bahagi ng Arirang World Tour ng BTS.

Kumalat kasi ang tsikang ilang indibidwal daw ang nakakuha ng 40 hanggang 50 tickets, gayong dalawa lang daw ang allowed per account sa mga nagnanais mag-avail ng ticket.

Isa sa mga pinagbibintangan ng mga netizen ay si Vice Ganda.

Agad naman itong winalis at pinabulaanan ng Unkabogable Star at sinabing kahit siya, hindi pa siya nakapag-avail ng ticket dahil hindi pa rin siya sigurado sa kaniyang schedule.

"Mas mahiya ka at ang mga kapwa mong mga bobo na mapagpaniwala sa mga tsismis na pang tanga! Tama yan! Nawa’y magpuyos ang mga puso nyo sa galit na likha ng mga maliliit nyong utak na kayang gaguhin ng fake news!" ani Vice.

Photo courtesy: Screenshot from Vice Ganda/X

"Bobong mapagpaniwala ampotah! San galing ang 50tix? Aanhin ko yun? 100 ba ang mata at tenga ko kung sakaling manunuod man ako!!! Ni hindi ko nga alam ang sched ko sa araw na yun!" saad pa ni Vice sa kaniyang X posts.

Photo courtesy: Screenshot from Vice Ganda/X

Samantala, wala pang reaksiyon, komento, o paliwanag ang kampo naman ni Mariz sa mga birada sa kaniya ng ilang BTS fans tungkol sa pagkuwestyon kung paano siya nakapag-avail ng concert tickets sa Busan.