July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking naghamon ng away, inurakan ng lalaking hinamon niya ng away!

Lalaking naghamon ng away, inurakan ng lalaking hinamon niya ng away!
Photo courtesy: Unsplash

Nasawi ang isang lalaking naghamon ng away matapos siyang pagtatagain ng kaniyang kaibigan sa Dalaguete, Cebu.

Ayon sa mga ulat, lubos na magkaibigan ang suspek at biktima. Katunayan, pinapatuloy pa raw ng biktima ang suspek sa kaniyang bahay bago mangyari ang krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon na natutulog ang suspek nang biglang dumating ang biktima at naghamon ng away. Ilang beses din umanong pinakuha ng biktima ang itak ng suspek upang labanan siya—dahilan upang tuluyan na siyang patulan ng suspek.

Sa kuha ng CCTV malapit sa crime scene, makikitang nagtatakbo ang duguang biktima habang hinahabol siya ng suspek, dala ang isang itak.

Ayon sa pulisya, sumakay ng tricycle ang suspek hanggang sa naabutan niya ang biktima at saka niya ito tinuluyang pagtatagain hanggang sa mapatay ito.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Nahaharap sa reklamong murder ang suspek. 

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang kabuuang detalye kung nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek.