June 19, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sue Ramirez, ipinasilip ang 'baby bump' niya!

Sue Ramirez, ipinasilip ang 'baby bump' niya!
Photo courtesy: Sue Ramirez (IG)

"Kinabahan" ang mga netizen sa ibinidang mga larawan ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez matapos makita ang tila malaking umbok sa kaniyang tiyan.

Sa larawang ito, makikita ang isang babae na nakatayo sa balkonahe ng isang bahay habang nakatanaw sa malayo. Nakasuot siya ng fitted na kulay abong short-sleeved top at maluwag na beige na pantalon. Bahagyang nakatagilid ang kanyang posisyon kaya kapansin-pansin ang kanyang tiyan, na tila may umbok na dahilan upang lagyan ng caption na "Sandy's baby bump " ang larawan.

Sa photo dump ni Sue sa kaniyang Instagram post noong Biyernes, Hunyo 12, makikita siyang may banayad na ngiti at mukhang relaks habang nakasandal ang mga kamay sa railing ng balkonahe.

Mas lalo pang ninerbyos ang mga netizen nang mabasa ang text caption dito na "Sandy's baby bump."

Sa sumunod na mga larawan, makikita naman ang ilang mga kuhang kasama ang Rivermaya lead vocalist at aktor na si Rico Blanco.

Tsika at Intriga

Bianca Manalo, proud at may pa-congrats sa ex-jowang si SP Win: 'The country needs you!'

Behind-the-scene shots pala ito mula sa pelikula nilang "Project Baby," nakakaloka! Palabas na ang pelikula sa mga sinehan nationwide.

"Behind the scenes of #ProjectBaby had so much fun working on this with everyone! Hope you can catch it this weekend in cinemas!" saad ni Sue sa post.

Pero nawindang naman ang mga celebrity at netizens dahil akala nga nila, buntis na si Sue sa kaniyang boyfriend na si Dominic Roque.

Isa nga sa mga nag-react dito ang singer- actor, at "It's Showtime" host na si Darren Espanto.

"AKALA KO TALAGA," aniya.

Nagkomento rito ang aktres na si Alexa Miro ng "kinabahan ako."

Naispatan din ang komento ng sikat na social media personality na si "Senyora" na may crush kay Dominic.

"Muntik na akong atakihin," saad ni Senyora.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, na mabuti na lang daw at "nagbabasa."

"Kinabahan ako hahaha."

"Naalimpungatan yung jowa ko kasi bgla tumaas boses ko 'BUNTIS NA PALA SI SUE RAMIREZ?!'"

"Akala q chrruuu na! hahahaha shooting lang pala. Congrats pa rin sue!"

"Congrats sa baby n'yo Sue and Rico hahaha."