Mariing nagpaalaala ang isang grupong nagpakilalang nasa likod ng anomalya sa operasyon ng website ng Senado nitong Huwebes, Hunyo 11, 2026.
Nauna nang maglabas ng pahayag ang Senado nito ring Huwebes kung saan ipinaalam nila sa publiko na sumailalim daw sa unauthorized modification at defacement ang kanilang website.
Sa madaling salita, may mga hindi kilalang indibidwal ang ilegal na pumasok sa website ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
“We would like to inform the public that the Senate website was recently subjected to an unauthorized modification, commonly referred to as a website defacement,” anang Senado.
Ayon naman sa naging pahayag ng Facebook page na may pangalang “Nullsec Philippines,” sinabi nilang pinapanood daw nila ang mga nagaganap sa Senado.
Anila, hindi raw dapat na gamitin ng mga senador ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila ng taumbayan para lang sa kanilang personal na interes, pagbuo ng politikal na dinastiya, at magpalawak ng korapsyon.
“We are watching,” pagsisimula nila, “The Filipino people entrusted you with power, responsibility, and the duty to serve the nation—not personal interests, political dynasties, or corrupt networks.”
Dagdag pa nila, “Every peso lost to corruption is a meal taken from a family, a classroom left unfinished, and a future denied.”
Photo courtesy: Nullsec Philippines (FB)
Diin nila, “Transparency is not optional. Accountability is not negotiable. Public office is not a shield from scrutiny.”
Anang Nullsec Philippines, hindi raw puwedeng ilibing na lang habambuhay ang impormasyon at hindi raw makauusad ang tiwala ng publiko nang walang katapatan mula sa mga senador.
Buwelta nila, nakikita, nag-iimbestiga, at inaalala raw lahat ng nasa henerasyon sa digital na panahon ang mga nangyayari sa Senado.
Pagpapatuloy nila, kaya raw dapat na manatili lang sa paggawa ng magagandang bagay ang ilang mabubuting senador at dapat daw na alalahanin ng ilan na umaabuso sa tiwala ng publiko na nagbibigay ng atensyon sa kanila ang taumbayan.
“To those who serve with integrity, continue your work. To those who abuse the public's trust, know that citizens are paying attention,” ‘ika nila.
“The people deserve truth. The people deserve accountability. The people deserve better,” paalala nila.
Babala ng Nullsec Philippines, hindi wala raw sila nagpapatawad at nakalilimot kaya raw asahan ng Senado ang pagdating nila.
“We do not forgive, We do not forget, Expect Us,” pagtatapos nila.
Samantala, habang sinusulat ito, nananatili pa ring “under maintenance” ang website ng Senado.