July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga trabahador sa pagawaan ng kabaong, binangga ng sasakyang walang driver!

Mga trabahador sa pagawaan ng kabaong, binangga ng sasakyang walang driver!
Photo courtesy: Juan Paulo/FB


Sapul sa CCTV footage ang isang misteryosong kaganapan sa isang pagawaan ng ataul sa Sto. Tomas, Pampanga kamakailan.

Batay sa video, umandar kasi nang kusa ang isang sasakyang wala namang driver at susi!

Naganap ito sa gitna ng pag-iinuman ng grupo ng mga trabahador sa naturang pagawaan ng kabaong.

Samantala, wala namang natamong malalang pinsala sa kani-kanilang mga katawan ang trabahador sapagkat agad naman nilang napahinto ang sasakyan.

Gayunpaman, palaisipan pa rin kung bakit naganap ang insidente.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!