July 19, 2026

Home SHOWBIZ

Yen Santos, nagbabalik; inayos ang sarili sa loob ng 8 taon!

Yen Santos, nagbabalik; inayos ang sarili sa loob ng 8 taon!
Photo Courtesy: via MB

Binasag na ng aktres na si Yen Santos ang kaniyang pananahimik matapos mawala nang walong taon sa eksena ng showbiz.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe noong Martes, Hunyo 9, sinabi ni Yen ang dahilan sa likod ng kaniyang pagkawala.

“Marami lang akong kailangang ayusin sa sarili ko at sa personal kong buhay. Kinailangan ko rin talaga ‘yong time na ‘yon para makabalik ako nang buong-buo sa trabaho,” saad ni Yen.

Ayon sa aktres, sobrang hirap umano ng pinagdaanan niya sa loob ng walong taon.

“Sobrang mahirap,” aniya. “Kaya hindi rin naging madali sa akin ‘yong proseso. Pero kailangan ko siyang pagdaanan para mahanap ko ulit ’yong sarili ko.“Kasi pakiramdam ko, maraming nawala. So, kinailangan ko ‘yong mahabang panahon na ‘yon para maging ready ulit,” dugtong pa ng aktres.

Tsika at Intriga

Rosmar, may biglang pamigay rin ng cellphones: 'Pero di pa rin ako mag-promote ng sugal!'

Gayunman, pinakamasakit daw para kay Yen na marami siyang namintisang pagkakataon noong mga panahong hindi siya nagpapakita.

Aminado rin siya na nakaramdam siya ng panghihinayang ngunit iginiit naman niya ang halaga ng natutuhanan niya mula sa kaniyang mga pinagdaanan.

Samantala, hindi naman ito ang unang pagpaparamdam ni Yen sa publiko. Matatandaang noong Agosto 2025, sumalang siya sa vlog kasama ang dating Ilocos Sur governor na si Luis "Chavit" Singson. 

Sinagot niya rito ang mga kontrobersiyang nag-uugnay sa kanilang dalawa, partikular ang isyu ng pagkakaroon na raw nila ng anak at pagiging magkarelasyon.

Maki-Balita: Chavit, sumagot kung may anak na sila ni Yen